^

Police Metro

Davao police official sinibak ng Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mapatuna­yang guilty sa kasong  falsification of public document na may kinalaman sa hindi makatotoha­nang entries ng kanyang Personal Data Sheet (PDS) ay sinibak sa puwesto ng tanggapan ng Ombudsman si  Deputy Regional Director Akmad Mamalinta ng Police Regional Office sa Davao City. 

Bukod sa kasong criminal si Mamalinta ay nahaharap din sa kasong administratibo dahil sa serious dishonesty.

Hindi na rin pinapayagan ng batas na makabalik pa sa anumang tanggapan ng gobyerno si Mamalinta, kanselado ang kanyang eligibility at walang matatanggap na retirement benefits at may multa para sa kanyang nagawang kasalanan na  halaga ng kanyang isang taong sahod kapag naalis na sa serbisyo.

Batay sa record, taong 2000 ay naideklara ni Mamalinta sa kanyang PDS na siya ay isang Career Executive Service Officer at nakumpleto na ang kanyang masteral degree sa Philippine Christian University (PCU).

Pero lumabas sa mga certificates mula sa Civil Service Commission at mula sa PCU na mali ang inilagay ni Mamalinta.

ACIRC

BATAY

BUKOD

CAREER EXECUTIVE SERVICE OFFICER

CIVIL SERVICE COMMISSION

DAVAO CITY

DEPUTY REGIONAL DIRECTOR AKMAD MAMALINTA

MAMALINTA

PERSONAL DATA SHEET

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

POLICE REGIONAL OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with