7 Abu sumuko

MANILA, Philippines – Sumuko sa tropa ng militar ang pitong miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni AFP- Joint Task Group (JTG) Basilan Commander Col. Rolando Bautista,  ang pitong Abu Sayyaf ay sumuko sa kanilang himpilan sa Sitio Bohe-Bohe Pahu, Brgy. Camalig, Ungkaya Pukan nitong nakalipas na dalawang araw ng  linggong ito.

Ang mga nagsisuko ay kinilalang sina Marwin Asan alyas Hadjie, Sulaiman Kasaran alyas Abu Jaid; Derwin Asan alyas Dikki; Halis Asan alyas Nasirin; Hadzmin Kuluman alyas Ammin; Faisal Laudmin alyas Issa at Salman Najallon.

 Nabatid na sumuko ang mga bandido dahilan nais ng mga ito na  magbagumbuhay.

Sa tala ng militar, pambihirang pagkakataon lamang na nagsisisuko ang mga bandido sa tropa ng militar.

Show comments