MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa ilalim ng flyover matapos hindi matanggap ang ginawang pag-iwan ng kanyang misis na naganap kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Kinilala ang biktima sa alyas Eric, isang scavenger sa Ortigas Ave. Brgy. Ugong, Pasig City.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madiskubre ng isang Michael Ugayon, 33, isa ring scavenger ang bangkay ng biktima na nakabigti sa ilalim ng flyover.
Sa salaysay ni Ugayon, mula nang iwan ang biktima ng kanyang misis na sumama sa ibang lalaki ay naging malungkutin na ito, tulala at malayo ang iniisip kaya’t ito ang posibleng dahilan nang pagpapakamatay nito.
Nakakuha rin ang mga tauhan ng SOCO ng kapirasong papel na sulat kamay ng biktima na may katagang...LOVE, LOVE, LOVE.