Palaboy naputol ang paa sa tren

MANILA, Philippines - Naputulan ng kanang paa ang isang palaboy na si Jun Lausa, 40 matapos itong mahagip ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR)  kahapon ng umaga  sa  Makati City.

Sa ulat, dakong alas-6:00  ng umaga sa Gil Puyat Avenue ay  papatawid ng riles ang biktima at hindi nito namalayan ang dumadaang tren na galing ng Alabang, Muntinlupa City patu­ngong Tutuban, Maynila at nahagip at naputol ang kanang paa nito. 

Patuloy na inaalam ng pulisya, kung anong body number at operator ng tren na nakahagip sa biktima.

Show comments