Palaboy naputol ang paa sa tren
MANILA, Philippines - Naputulan ng kanang paa ang isang palaboy na si Jun Lausa, 40 matapos itong mahagip ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng umaga sa Makati City.
Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga sa Gil Puyat Avenue ay papatawid ng riles ang biktima at hindi nito namalayan ang dumadaang tren na galing ng Alabang, Muntinlupa City patungong Tutuban, Maynila at nahagip at naputol ang kanang paa nito.
Patuloy na inaalam ng pulisya, kung anong body number at operator ng tren na nakahagip sa biktima.
- Latest