^

Police Metro

Sekyu binaril sa ‘balls’ ng lady guard

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naging madugo ang biruan ng lalaking sekyu sa karelyebo nitong lady guard nang barilin ng huli sa maselang parte matapos magkapikunan kamakalawa sa Pasay City.

Ang biktima na patuloy na inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital dahil sa tama ng bala sa kanyang maselang parte ng katawan ay kinilalang si Charlito Tojod, 26, ng M&S Security Services, ng Block 23, Lot 19, Don Carlos Revilla St., ng lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Mary Ann David,  ng  nasabi ding security agency, at residente #267 8th Avenue General Headquarters (GHQ) Signal Village, Taguig City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa parking area ng isang mall ay katatapos lamang mag-duty ng biktima at papalit dito ang suspek.

Biniro ng biktima ang suspek na papaliguan niya ito ng bala na ikinapikon ng suspek kaya’t binaril ito sa nasabing parte ng katawan.

vuukle comment

ANG

AVENUE GENERAL HEADQUARTERS

BATAY

CHARLITO TOJOD

DON CARLOS REVILLA ST.

MARY ANN DAVID

PASAY CITY

S SECURITY SERVICES

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with