MANILA, Philippines – Muling umarangkada si Vice President Jejomar Binay na pipiliin na maging pangulo ng bansa batay sa pinakabagong BusinessWorld-Social Weather Stations pre-election survey na isinagawa ngayong buwan.
Ang resulta ng survey na isinagawa mula Jan. 8-10 sa 1,200 rehistradong botante o yung may biometrics na ay nagpapakita na si Binay ay nakakuha ng 31 percent sa kabuuan ng respondents.
Ang nasabing bilang ay 5 porsiyento ang itinaas kumpara sa kanyang nakuha sa nakalipas na SWS survey na isinagawa noong Disyembre.
Sumunod kay Binay na kapwa statistically tied ay sina Sen. Grace Poe-24 percent (na bumaba ng 2 percentage points), Mar Roxas-21 percent at Davao City Mayor Rodrigo Duterte-20 percent.
Habang si Sen. Miriam Defensor Santiago, ay nakakuha ng 3 percent na bumaba kesa nakuha niya noong Disyembre.
Ang nationwide survey ay margin of error ng ±3 points para sa national percentages at ±6% para sa Metro Manila, at Balance sa Luzon, Visayas at Mindanao at harapan ang pagtatanong sa 1,200 rehistradong botane.
Nangako naman si Binay na lalo pa niyang pagbubutihin ang trabaho upang maiangat ang kabuhayan ng taumbayan, labanan ang kahirapan at pagbibigay ng trabaho.
Ito ang inihayag ni Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson for political affairs na ang kailangang lider ng bansa at yung may karanasan at kakayahan na itaas ang kabuhayan ng mahihirap na siyang mayorya sa bansa.
Ang survey na ginawa ng Pulse Asia nitong Disyembre ay nagpapakita na si Binay rin ang nanguna na sinasabing “man to beat” sa 2016 elections. Siya ay nakakuha ng 33 porsyento sa may 1,800 respondents sa buong bansa.