2 utas sa pamamaril

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa bahagi ng Barangay Palatiw sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkaka­kilanlan sa dalawang biktima na pinaniniwalaang sangkot sa iba’t ibang krimen.

Samantala, sugatan naman ang driver ng traysikel na si Roman Herrera Jr. ng Barangay Sto. Tomas, Pasig City matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa kanang binti.

Naganap ang pamamaril dakong alas-5:30 ng umaga malapit sa gasolinahan sa panulukan ng Market A­venue at Baltazar Street sa nasabing barangay.

Napag-alamang lulan ng traysikel ang dalawa ng lapitan at ratratin ng isang di-kilalang lalaki.

Narekober sa crime scene ang cal. 9mm pistol at isang Granada sa dalawa habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments