US submarine dumaong sa Subic

MANILA, Philippines – Isa pang modernong submarine ng Estados Unidos ang dumaong kahapon sa Subic Bay, Zambales bilang bahagi ng tradisyunal na Indo-Asia Pacific deployment.

Ito’y sa gitna  na rin ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea na nataon sa pagpabor ng korte Suprema sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa isang press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps, ang USS Topeka (USS 754), isang Los Angeles-Class fast attack submarine ay dumaong sa Subic para magsagawa rin ng routine patrol visit.

Ang USS Topeka ay may 160 sailors ay magsasagawa ng multitude mission at pananatilihin ang kasanayan sa kapabilidad ng naturang submarine fleet.

Magkakaroon naman ng pagkakataon ang mga Filipino-American sailors na makabisita sa kanilang pinagmulan pamilya at mga kamag-anak sa nasabing port call visit.

Show comments