Seguridad sa Ati-Atihan festival plantsado na

MANILA, Philippines – Alerto at handa na ang buong puwersa na ipatutupad ng Police Regional Office (PRO) 6 kaugnay ng gagana­ping Ati-Atihan festival sa Kalibo, Aklan sa Enero 11-17 ng taong ito.

Sinabi ni PRO 6 Acting Regional Director P/Chief Supt. Bernardo Diaz, na may sapat na bilang na pulis ang idedeploy upang tiyaking magiging mapayapa at matiwasay ang okasyon.

“The Kalibo Ati-Atihan is the most celebrated festival of the province. Foreign nationals, tourists, national and local dignitaries, government and public officials, vacationers and other VIPs, visitors and local populace from all walks of life are always expected to join the yearly merry ma­king”, anang opisyal.

Mahigpit ring tutukan ang mga drug traffickers, pickpockets, snatchers, mga prostitute at iba pa na maaring magsamantala sa okasyon.

Binigyang diin pa ng opisyal na target nila ang ‘zero crime’sa buong panahon ng Ati-Atihan festival.

 

Show comments