MANILA, Philippines – Dapat na ipatupad ng Philippine National Police ang naunang panawagan ng Commission on Elections (Comelec) na “total election gun ban” ng walang kinikilingan.
Ito ang sinabi ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Henrietta De Villa dahil hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng gun ban kung may papanigan at pagbibigyang indibiduwal.
Una nang naghain ng mungkahi sa Comelec ng ‘Gun Ban Without Exemption” ang PPCRV na mas maiiwasan at mababawasan ang insidente ng karahasan kung mas magiging mahigpit o ipatupad ng Comelec at PNP ang kamay na bakal sa “gun ban’.
Nakatakdang ipatutupad ng Comelec sa pangunguna ng PNP ang election gun ban bukas, Enero 10 hanggang Hunyo 8, isang buwan matapos ang halalan.