2 akyat-bahay arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang notoryus na Akyat-Bahay Gang matapos na pasukin at looban ang resto bar sa Quezon City, kamakalawa.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Loui Cunanan, 26; at Joey Samera, 26, mga nakatira sa Barangay South Triangle sa nabanggit na lungsod.

Positibong kinilala ng isang residente ang mga suspek na nanloob sa Never hurt Resto bar sa panulukan ng Scout Torillo Street at Scout Fuentebella St. sa nasabing barangay.

Kabilang sa mga gamit na tinangay ng mga suspek gamit ang traysikel ay ang dalawang high pressure burner, LD speaker, electric drill, speaker cord, tatlong audio speaker, light controller, Hitachi electric grinder, KCT electric drill, electric jack hammer, at wild corp inverted welding machine.

 

Show comments