Sekyu tinodas sa Port Area

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na security guard na nakatalaga sa Gate 4 ng old BIR Building matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunman sa loob ng guard house sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si Danilo Suarez na napuruhan sa mukha at likod ng ulo.

Inilarawan ang gunman na naka-maong na pantalon, puti ang t-shirt at army cut ang buhok habang ang nagsilbing driver ay hindi nailarawan.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan, naganap ang pamamaril dakong alas-9 ng gabi sa nasabing lugar kung saan naka-duty ang biktima.

Pinaniniwalaang grupo ng driver ng truck sa Port Area na nakaalitan ng biktima ang nasa likod ng krimen.

Show comments