Mister ginilitan ng kaibigan

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na mister makaraang sakalin, ginilitan at inilibing ng kanyang kaibigan dahil sa pagnanakaw sa panibagong karahasang naganap sa Purok Paraiso, Barangay Esperanza sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jury Bulanto “Tokayto”  Gola-e ng Sitio Mongkal, Barangay Kiblawi, Kiblawan, Davao del Sur habang nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Joceval Jialuna, 35, ng Purok Paraiso sa nasabing barangay at pamangkin ng pangulo ng Purok Roxas na si Ferdinand Jialuna ng Barangay Esperanza.

Napag-alamang mismo ang suspek ang nagsabi kay Fernando na pinatay nito ang kaibigang si Gola-e noong Disyembre 24 matapos siyang pagnakawan ng pera.

Sinuntok umano nito ang biktima hanggang sa mawalan ng malay, hinila sa maisan, ginilitan at inilibing sa may lalim na apat na talampakan.

Show comments