2 nagpaputok ng baril, tugis

MANILA, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makulong ang 43-anyos na ABC president at isa pa matapos magpaputok ng baril noong Pasko.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, si Chairman Erol Cimatu Calivoso ng Pagudpud, Ilocos Norte ay pinaghahanap ng pulisya matapos ang pagpapaputok ng baril sa Sitio Rangpaya, Barangay Ba­duang sa nasabing bayan.

Samantala, kusang isinuko ng 17-anyos na anak na babae ni Calivoso ang limang piraso ng basyo ng bala at isang bala ng cal. 45 pistol matapos ang insidente.

Bukod kay Calivoso, pinaghahanap din ang suspek na si Marianito Alob dahil sa pagpapa­putok ng baril sa bahagi ng Brgy. Maggalang Kiling sa ba­yan ng Sariaya, Quezon, isang araw bago sumapit ang Pasko.

Sugatan sa nasabing insidente ang isang Cornelio Mendoza Grita na tinamaan ng bala sa kaliwang hita at kanang braso; at isang Erlinda Alob na tinamaan sa kaliwang hita.

 

Show comments