MANILA, Philippines – Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Caraga Region kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa may 30 kilometrong layo sa karagatan ng hilagang silangan ng San Isidro, Surigao del Norte bandang alas-6:11 ng umaga.
Samantala, naramdaman naman ang intensity 4 sa mga bayan ng San Isidro, Burgos at Santa Monica sa Surigado del Norte; Intensity 3 sa Surigao City, at Intensity 2 sa bayan ng Loreto, Dinagat Province; mga bayan ng Mainit at Socorro sa Surigao del Norte.
Kaugnay nito, naitala rin ang mga instrumental Intensities tulad ng Intensity 3 sa Surigao City.
Wala namang inasahang nawasak na ari-arian subalit may posibilidad na magkaroon ng mga aftershock.
Nabatid na alas 4:04 ng madaling araw nang unang yanigin ng magnitude 3.2 lindol ang timog kanluran sa bayan ng San Isidro, Surigao del Norte.