2 lalaki sinalvage sa Taguig

MANILA, Philippines – Pinaghihinalaang biktima ng salvage ang dalawang bangkay ng lalaki na matatagpuan magkahiwalay na lugar sa Taguig City kamakalawa.

Ang  dalawang nasawi ay kinilalang sina Hendrik Bibal Bonustro, 15, ng #444 Purok 5 at Ronald Navarro, 20, ng Malugay St., Parañaque City at inaalam pa kung tama ng bala ng baril o saksak ang nakitang mga sugat sa katawan ng mga biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Bonustro sa #50 MLQ Avenue, Barangay Bagumbayan, Taguig City at  dakong alas-9:00 ng umaga ay natagpuan ang bangkay ni Navarro sa Sampaloc St., malapit sa  TUP Compound, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.

Show comments