Nawawalang lolo, natagpuang patay

MANILA, Philippines – Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng  isang nawawalang matandang lalaki na itinapon sa isang kangkungan sa  Pangasinan.

Ang biktima ay kinilalang si Abelardo Torres, 63, residente ng Brgy. Quetegan, Mangatarem na natagpuang nakagapos ang mga kamay at binti ng lubid.

Nagtamo rin ang biktima ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, ang matanda ay inireport ng pamil­ya nito sa pulisya na nawawala noon pang Disyembre 14 matapos itong mabigong makauwi sa kanilang bahay.

Nadiskubre ang bangkay matapos na isang residente sa lugar ang nagtungo sa lagoon upang manguha ng kangkong at nakita ang naagnas na katawan ng biktima.

Show comments