ISIS training camp sa Mindanao

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na beripikasyon sa nasabing training camp na ipinakalat ng mga nagpakila­lang ISIS sa You Tube. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nakatakdang imbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y training camp ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)  na itinayo sa Mindanao na ipinoste sa social networking site.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na beripikasyon sa nasabing training camp na ipinakalat ng mga nagpakila­lang ISIS sa You Tube.
“The video material has been brought to our attention and we already have a copy of it, and we’ve submitted this for validation and authentication by our cyber forensics unit,” wika ni Padilla.

Sinabi ni Padilla na maging ang mga armadong grupong banta sa pambansang seguridad tulad ng Abu Sayyaf na namumugad sa Sulu at Basilan  at maging ang bagong sibol na Anwar Khalifa bagaman nakikisimpatiya at iniidolo ang ISIS ay hindi pa mai-establisa kung may direktang ugnayan sa nasabing mga dayuhang jihadist.

Naghihinala naman ang opisyal na ang nasabing video sa you tube ay upang manghikayat lamang ng mga ire-recruit sa kanilang grupo sa pamamagitan ng social media channels.

 

Show comments