Ads campaign materials lilimitahan sa Caloocan
MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa Caloocan City ang pagkakabit at pagpapaskil ng anumang uri ng mga advertisement at campaign materials sa mga poste at tulay.
Ito ay kung sakaling maipasa ang panukalang ordinansa No. 1590 serye 2015 ni Konsehal Ma. Aurora Henson na nakasaad na ipagbawal ang pagkakabit at pagpapaskil ng mga “advertising materials” kabilang ang mga tarpaulins, streamers, billboards, stickers, decals, pamphlets, at posters.
Ikinukonsidera naman na “public utility facilities” na bawal pagpaskilan ang lahat ng poste, traffic light posts, bahagi ng mga tulay at mga overpasses.
Layon rin ng panukala na maisulong ang kaligtasan ng publiko sa panganib dulot ng posibilidad na pagbagsak ng mga kable ng kuryente dahil sa bigat ng mga nakasabit na mga tarpolina.
- Latest