Kampo ni Duterte nagtataka kay David

MANILA, Philippines - Ipinagtataka ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang laging paghahain ni Rizalito David ng disqualification cases laban sa mga nangungunang kandidato sa pagka-presidente.

Ito ang sinabi ni Davao City Rep.  Karlo Alexei Nograles at hiling nito na sana ay hindi nagagamit si David ng ilang makapangyarihang tao para isakatuparan ang tinatawag na ‘Last Man Standing’ strategy.

Hamon pa ni Nograles kay David na lahatin ang filing ng DQ cases sa lahat ng presidentiables  para patas ang laban.

Pero kumambyo si Nograles na posibleng galit lang ito dahil sa pagkakadeklara sa kanya ng Comelec bilang nuisance candidate at anuman umano  ang dahilan nito, ay  sigurado na  merong mga kinakabahan kay Duterte.

Show comments