Binata inutas ng karibal sa pag-ibig

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang binata matapos na siya ay saksakin ng kanyang karibal sa pag-ibig nang hamunin nito ng suntukan kamakalawa sa Brgy. Maligaya, Siay, Zamboanga Sibugay.

 Ang nasawi ay kinilalang si Roland Sumohid, 23, rubber tapper at residente ng nasabing lugar. Habang nadakip naman ang suspek na si Ramil Antipuesto, 30, may-asawa.

Batay sa ulat bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali ay kinompronta ng biktima at hinamon ng suntukan ang suspek dahilan umano sa panunulot nito sa  kaniyang nobya gayong may asawa na ito.

Nang susuntukin ng biktima ang suspek ay nagbunot ang huli ng patalim na nakatago sa tagiliran at pinagsasaksak ito.

Show comments