^

Police Metro

VM Joy B inorganisa ang Kababaihan Bida sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinaluhan ng may 15,000 kababaihan sa Quezon City tulad ng mga single mother, day care center tea­chers, barangay officials, street sweepers at iba pa ang proyekto ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na tinawag na Kababaihan Bida sa QC sa tulong ni House Speaker Sonny Belmonte.

Sa ilalim ng proyekto ay ipinapakita rito ang lakas ng mga kababaihan at naiprisinta  ang mga usaping pangkababaihan para sa mga susunod na magiging pinuno ng bansa.

Dinaluhan ang pagtitipon nina Liberal Party presidential bet Mar Roxas, Vice Presidential bet Leni Robredo, Senatorial bet Leila de Lima at iba pa.

Hinikayat ni VM Belmonte ang kababaihan na mangarap sa mapayapa at lipunang ligtas lalo na sa mga kabataan. Magkaroon ng sapat at abot kayang oportunidad para sa masustansiyang pagkain, disenteng pabahay, mataas na antas ng edukasyon at mabilis at akmang serbisyong pangkalusugan.

Bukod dito ay magkaraoon ng pantay-pantay na  pagtrato sa mga kababaihan at kalalakihan maging sa trabaho, sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima ng karahasan at kaligtasan sa mga kababaihan at kabataan.

ACIRC

DINALUHAN

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

KABABAIHAN BIDA

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MGA

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

VICE PRESIDENTIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with