MANILA, Philippines – Nangunguna sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Grace Poe sa isinagawang pre-election survey ng Magdalo.
Nakakuha ng 31.9 porsiyento si Duterte samantalang si Poe na dating nangunguna sa mga survey ay nakakuha ng 26 porsiyento.
Ang nasabing survey ay isinagawa ng Magdalo sa pagitan ng Disyembre 9 hanggang 11 kung saan binigyan ng listahan ng mga kandiato ang mga respondents at tinanong kung sino ang iboboto kung ngayon gagawin ang eleksiyon.
Ayon sa statement ng Magdalo, isa sa mga napuna ng mga researchers ang pag-aakala ng mga respondents na diskuwalipikado na sa pagtakbo bilang presidente si Poe.
Hindi umano nilinaw ng mga researchers ang nasabing isyu upang hindi maimpluwensiyahan ang sagot ng mga sumailalim sa survey.
Pumangatlo sa survey si Vice President Jejomar Binay na nakakakuha ng 23.6 percent; pang-apat si Mar Roxas,13.5 percent; Senator Miriam Defensor-Santiago, 4 percent; at dating ambassador Roy Señeres, 0.1 percent.