Mahigit 200 pang pulis idineploy sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Mahigit 200 pang pulis ang idineploy ng Philippine National Police sa mga matataong lugar sa Metro Manila upang tiyakin ang matiwasay at mapayapang pagdiriwang ng Kapaskuhan na nagsisimula ng Simbang Gabi ngayong araw.

Pinangunahan ni Deputy Director General Danilo Constantino, PNP  Chief for Operations ang deployment ng 226 pulis kabilang ang elite Special Action Force (SAF) upang palakasin pa ang police visibility sa mga lansangan sa Metro Manila.

Kabilang naman sa mahigpit na babantayan ay ang mga bisinidad ng shopping area, mga pook pasyalan, bisinidad ng simbahan at iba pang matataong lugar.

Show comments