Tsinap-chop na lalaki, natagpuan

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng la­laki na pinagputol-putol ang katawan na nakalagay sa isang kulay itim na plastic bag ang natagpuan kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na walang ulo, putol ang dalawang braso, nakasuot ng cargo pants na kulay asul, nakahubad at tinatayang nasa  40 hanggang 42-anyos.

Batay sa ulat, alas-10:00 ng umaga nang mapansin ng isang Jasmin Sanggalang, ang kulay itim na plastic bag na may tagas ng dugo sa may Habitat and Eco Tourism sa kahabaan ng Coastal Road, Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod.

Kinabahan ito kung kaya’t kaagad nitong ipinagbigay alam sa otoridad na sa pagresponde sa lugar ay binuksan ito at tumambad ang putol-putol na katawan ng lalaki na walang ulo.

Hinala ng pulisya na ang biktima ay sinalvage at doon lang itinapon para mailigaw ang pulisya.

Show comments