^

Police Metro

Lolo patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang 90-anyos na lolo na sinasabing na-suffocate at tuluyang inatake sa puso sa sunog na nagtagal lamang ng apat na minuto sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Valentine Cañales ng Solis Street sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Manila Fire Bureau Arson investigator Edelberto Cruz, umakyat lamang sa unang alarma at agad namang naapula ang sunog na nagsimula dakong alas-11:12 ng gabi ng Sabado sa silid ng biktima kung saan pag-aari ni Remedios de Leon ang kuwarto na inokupahan nito.

Samantala, may 20-pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog na tumupok sa two-storey apartment sa Bataan Street sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Dalawa-katao naman ang iniulat na nagtamo ng minor injuries sa naturang sunog na sumiklab dakong alas-4:07 ng madaling araw.

Ayon kay FO3 Oliver Sison, umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago naapula dakong alas-5:04 ng umaga.

 

vuukle comment

ANG

ATILDE

AYON

BALIC-BALIC

BATAAN STREET

EDELBERTO CRUZ

MANILA FIRE BUREAU ARSON

MAYNILA

OLIVER SISON

SOLIS STREET

VALENTINE CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with