COC ni Poe kinansela ng 1st Division

MANILA, Philippines - Nagbaba na ng desis­yon ang Commission on Elections (Comelec) First Division hinggil sa petisyon para kanselahin ang certificate of candidacy ni Senator Grace Poe sa pagka-pangulo sa botong 2-1.

Ito na ang  ikalawang  disqualification laban kay Poe, na ang una ay inilabas ng  Comelec 2nd Division bunsod naman ng petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na nagsasabing hindi natural born Filipino si Poe.

Bumoto para  kanselahin ang  COC ni Poe ay sina Commissio­ners Rowena Guanzon at Luie Tito Guia habang  lone dissenter naman si Commissioner Christian Robert Lim bunsod ng petitions na inihain nina Sen. Francisco Tatad, Prof. Antonio Contreras at dating UST Law Dean Amado Valdez.

Pag-aaralan ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia ang mga opinyon, lalo na ang dissenting o­pinion ni Commissioner Lim dahil maaaring magamit ito sa muli nilang pagharap sa Comelec en banc at sa Supreme Court.

Paliwanag pa ni  Atty.Garcia,  hindi pa naman final at executory ang  desisyon at maaari pang  maghain ng motion for reconsi­deration at kandidato pa rin si Poe at ang pangalan ay nasa listahan pa rin.

Show comments