Guro dedo, 1 pa kritikal sa taga

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang guro habang malubhang nasugatan ang kabaro nang sila ay pagtatagain ng hindi pa kilalang lalaki na bigla na lamang sumulpot kamakalawa ng gabi sa Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang nasawing si Joy Rojo, 24, habang nasugatan si Jereyn Lapidez, 27, kapwa guro sa Tuluksubong Elementary School na matatagpuan sa nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi ay matutulog na sana ang dalawang biktima sa staff house ng nasabing paaralan nang pasukin sila ng suspek at walang kaabog-abog na pinagtataga ang dalawang guro.

Nang bumulagta ang dalawang guro ay tumakas ang hindi pa kilalang suspek at ang nasugatang si Lapidez ay humingi ng tulong sa mga residente para sila dalhin sa ospital.

Show comments