^

Police Metro

Pampasaherong jeep niratrat: 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga kalalakihan ang isang pampasaherong jeep habang bumabagtas sa highway ng Brgy. Sinanguyan, Don Carlos, Bukidnon na ikinasugat ng anim katao na naganap kamakalawa.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Tawal Baguil, 46; Nasrudin Tamano, 37; Antonio Saavedra, 40, pawang kasapi ng Cowboy Security Detective Agency; Juliet Baguil, 37; Johnny Manlapay, 35 at Elvira Mullanta, 20.

Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng umaga habang bumabagtas ang  pampasaherong jeep nang ito ay paulanan ng bala ng mga suspek na nakaposis­yon sa highway.

Tumagal ng ilang minuto ang pamamaril bago nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang nasabing mga security guards ay inupahan ng negosyanteng si Juanita Regondula  dahilan sa umiinit umanong alitan sa bahagi ng lupaing pag-aari nito sa Brgy. Sinangguyan sa nasabing bayan.

vuukle comment

ACIRC

ANTONIO SAAVEDRA

BRGY

COWBOY SECURITY DETECTIVE AGENCY

DON CARLOS

ELVIRA MULLANTA

JOHNNY MANLAPAY

JUANITA REGONDULA

JULIET BAGUIL

NASRUDIN TAMANO

TAWAL BAGUIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with