Maniningil ng pautang natagpuang patay

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang lalaki na naniningil ng mga pautang na furniture matapos na ito ay pagbabarilin kahapon sa Sitio Katindu, Brgy. Malibatuan, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ni Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Dante Mara-Mara Pradera, 27 ng Purok Felomina, Calumpang, General Santos City.

Batay sa ulat, maniningil lang sana si Pradera sa isang pautang na furniture sa nabanggit na lugar nang siya ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.

Malaki ang hinala ng pulisya na nanlaban ang biktima nang tangayin ang minamanehong motorsiklo dahil wala na ito sa crime scene.

Show comments