Grace malalampasan ang DQ cases
MANILA, Philippines – Sinabi ni Valenzuela Sherwin Gatchalian na tiwala sila na malalampasan ni Senator Grace Poe ang disqualifications cases na kinakaharap nito sa Commission on Elections (Comelec).
Naniniwala rin na bibigyan ng bigat ng Comelec ang mga dokumentong iprinisinta ng mga abogado ng senadora at mababaligtad ang naunang desisyon ng 2nd division na nagdiskwalipika rito.
Sa ilalim anya ng Saligang Batas, kailangang may 10 taong residency ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo at pasok rito ang senadora dahil base sa reaffirmation ng renouncement ng kanyang US citizenship ay noon pang 2005 ito naninirahan sa Pilipinas.
- Latest