MANILA, Philippines – Para sa ikabubuti ng lahat ay dapat matuloy ang May 2016 elections.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa gitna ng agam-agam ni Comelec chairman Andres Bautista Jr. na posibleng ma-postpone ang May 9, 2016 elections dahil sa inilabas na TRO ng Korte Suprema hinggil sa “No Bio, No Boto”.
Ikinatwiran ni Chairman Bautista na apektado ang magiging preparasyon ng Comelec sa ipinalabas na TRO ng SC.
Sa pagiging mababa pa rin ng administration bet Mar Roxas sa pinakahuling SWS survey ay naniniwala ang Palasyo na may 6 na buwan pa upang maiharap ng mga kandidato sa mga botante ang kanilang plataporma de gobyerno.