MANILA, Philippines – Isang mataas na lider ng Kamara na kaalyado ni dating DILG Secretary Mar Roxas ang lumipat na rin sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Hayagang nagpahayag ng suporta si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Committee on Appropriations na itinuturing din na stalwart ng ruling Liberal Party (LP) na ang pambato ay si Roxas.
Ang paghahayag ng suporta ni Ungab kay Duterte ay ginawa nito matapos din sumuporta ang mga pangunahing politiko sa Davao kaya inaasahan na marami pa ang susunod dito.
Hinihintay din na maghayag ng suporta kay Duterte ang iba pang miyembro ng Kamara na taga Davao kabilang dito sina Davao City Second District Rep. Mylene Garcia-Albano, Davao City councilor Luz Ilagan, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, A Teacher Partylist Rep. Mariano Piamonte at 1-BAP Partylist Rep. Silvestro Bello III.
Nauna nang naghayag ng pagsuporta kay Duterte si Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles at dating House Speaker Prospero Nograles.