Mister naghamon ng away, pinatay

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak ang isang mister ng hindi pa nakikilalang suspek nang ito ay mag-amok matapos silang mag-away ng kanyang misis kahapon sa Muntinlupa City.

Namatay noon din dahil sa rami ng saksak sa katawan ang biktimang si Ricardo Dullavin, 45, jobless, ng Excess Lot, Phase 4, Southville 3, Barangay Poblacion.

Batay sa ulat, alas-4:30 ng madaling araw sa Southville 3, Natio­nal Housing Authority (NHA), Barangay Pobla­cion ay nagwawala ang biktima na noon ay lasing at naghahamon ng away sa mga kapitbahay nang biglang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at inatado ito nang saksak.

Bago ang pagwawala ng biktima ay nakatalo muna nito ang misis na si Cecilia at lumabas ito ng bahay at naghamon ng away.

Show comments