Holdaper utas, 4 sugatan sa barilan

MANILA, Philippines – Isang pinaghihinalaang notoryus na holdaper ang nasawi habang apat nitong kasamahan ang nasugatan nang makipagbarilan sa mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Kalawit, Zamboanga del Norte.

Inaalam pa ng pulis­ya ang pagkakakilanlan ng napatay na holdaper habang patuloy ang pagtugis sa apat pa nitong nakatakas na sugatang mga  kasamahan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-7:15 ng gabi sa checkpoint sa tapat ng Philippine Carabao Center sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan ay hinoldap ng mga suspek ang JJ Store Copra Buyer na pag-aari ng negosyanteng si John Canya  na matatagpuan sa Brgy.Patwang,Labason tangay ang P200,000.00 at dalawang motorsiklo na ginamit na get away vehicle sa pagtakas patungo sa direksyon ng Kalawit-Tampilisan.

Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya at nakasagupa ang mga suspek na tumangging sumuko sa inilatag na checkpoint at napatay ang isa sa mga holdaper at nasugatan ang apat nitong kasama.

Show comments