MANILA, Philippines – Ibinasura ng House Committee on Transportation ang bagong requirement ng Land Transportation Office (LTO) para sa pagkuha ng National Bureau of Investigation (NBI) at police clearance bago makakuha ng professional drivers license.
Bukod sa mga Kongresista ay tutol din ang mga Senador sa bagong requirement ng LTO dahilan para ipasuspinde pansamantala ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang nasabing requirement.
Ayon sa komite na pahirap lamang sa mga kumukuha ng lisensiya ang dagdag na requirement at maraming lugar sa bansa ang walang NBI satellite office at para na rin umanong gusto ng LTO na sumabak sa police work sa panghuhuli ng mga kriminal.