Pemberton: Guilty or not guilty?

Pemberton

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang taon nang paglilitis ay ibaba ngayong araw ang hatol ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahaharap sa kasong murder sa isang Pinay transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Kaya naman ay bantay sarado ngayon araw at todo higpit ang seguridad na ipatutupad ng nasa 1,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa record na noong Oktubre 11, 2014 ng gabi ay natagpuang patay si Jennifer na nakasubsob ang ulo sa inidoro sa loob ng Room No. 1 ng Celzone Lodge sa Olongapo City.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez na sapat ang seguridad hindi lamang kay Pemberton kundi maging sa paligid ng korte ng Olongapo City na  gaganapin ang promulgasyon ng kaso.

 Anya, kung nagawa ng PNP na bantayan at matiyak ang kaligtasan ng 21 Head of State at mga delegado na nagpartisipa sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit noong nakalipas na Nobyembre 17-20 ay wala silang nakikitang dahilan para hindi nila ito magawa kay Pemberton na nag-iisang tao lamang.

Si Pemberton ay kasalukuyang nakakulong sa Joint United States and Military Assistance Group-Mutual Security Defense Board (JUSMAG-MSDB) ang US military facility sa loob ng Camp Aguinaldo.

 

Show comments