Love triangle tinapos sa patalim

MANILA, Philippines – Tinapos ng dalawang lalaki sa duwelo ng patalim ang kanilang galit sa isa’t isa dahil sa isang babae na kapwa nila minahal naganap kamakalawa sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Juli Latigay, 41 construction worker, ng Blk 4. Lot 7, Zone 11, Bautista Property, Brgy. Sampaloc 4.

Kritikal naman sa pagamutan si Brazil Claridad, 39, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang duwelo dakong alas-10:30 ng gabi ay nagkrus ng landas sina Latigay at Claridad  na kung saan ay  may sama ng loob ang una dahil ang dati niyang live in partner ay siya ngayong kinakasama ng huli.

Nagkaroon ang dalawang ng pagtatalo hanggang sa magsuntukan at ilang sandali kapwa bumunot ng patalim at nagsaksakan at kapwa duguang bumulagta.

Show comments