Comelec na ang bahala kay Duterte - Malacañang
MANILA, Philippines – Ang Commission on Elections (Comelec) na bahalang magdesisyon ukol sa isyu ng substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang presidential candidate ng PDP-Laban.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ukol sa isyu ng pagiging substitute candidate ni Mayor Duterte kay Martin Diño na umatras na kandidato ng PDP-Laban.
Magugunita na nagpahayag kamakailan si Duterte ng kahandaan na lumabang pangulo sa 2016 elections dahil sa naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa petisyon laban kay Sen. Grace Poe na kinuwestyon ang pagiging natural-born Filipino citizen nito.
- Latest