MANILA, Philippines – Muling aarangkada sa Nobyembre 26 ang Tindahan ni Ate Joy Project-Part 3 na pinangangasiwaan ni QC Mayor Joy Belmonte na laan para sa mga single parent na malaking tulong upang mapaunlad ang kabuhayan ng kani- kanilang pamilya.
Sa ilalim ng programa may P10,000 halaga ng sari sari store items ang ipinagkakaloob ni Belmonte sa bawat single parent ng QC na maaaring pagsimulan ng hanapbuhay na maliit na tindahan.
Ngayong Nobyembre, kapapalooban ng may 190 single parent ang benepisyaryo ng part 3 ng naturang proyekto.
Ang bahagi ng puhunan na ipagkakaloob sa part 3 project beneficiaries ay mula naman sa kita ng mga Tindahan ni Ate Joy Part 2 at Part 1 beneficiaries.