Magpinsan utas sa bangga

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang magpinsan matapos na sumalpok ang kanilang motorsiklo habang bu­mabagtas sa kahabaan ng Calamba Road, Brgy Iruhin, Tagaytay City, Cavite kamakalawa.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina John Lester Acio, 27, supervisor ng gasoline station at John Mark Acio, 28 seaman kapwa residente ng Brgy. Labas Sta. Rosa, Laguna.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon sa nasabing lugar ay magkaangkas ang magpinsan sa isang motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang isa sa biktima at sumalpok sa poste.

 

Show comments