^

Police Metro

Korean trader nagselos sa text, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Korean national ang nagbigti matapos itong magselos nang mabasa ang text message sa cell phone sa kinakasama nitong Pinay kahapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala sa pamamagitan ng pasaporte nito ang biktimang si Kim Cheolgyu, 42, pansamantalang naninirahan sa #1201 Tower C, Antel Seaview, Tower Condominium, Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

 Sa report, kinompronta ng biktima ang live-in partner na si Analyn Petaca, 29, tubong Barangay Bugtong Silag, Mangatarem, Pangasinan matapos mabasa ang isang text message mula sa kaibigang Koreano na si Bob Chin.

Labis na nagselos ang biktima kung kaya’t nagpasya muna itong makipaghiwalay  at  alas-5:00 ng umaga, noong Nobyembre 20  nang lisanin ni Petaca ang condominium at umuwi sa kanila sa Pangasinan.

Nang nasa Pangasinan na si Petaca, tinawagan nito sa cell phone ang biktima, subalit hindi na nito makontak ang dayuhan.

Kaya’t kahapon alas-5:00 ng umaga ay nagpasyang bumalik ang babae sa tinutuluyan nilang condominium sa Pasay at dito ay natuklasan na nagbigti ang biktima.

 

ANALYN PETACA

ANG

ANTEL SEAVIEW

BARANGAY BUGTONG SILAG

BOB CHIN

KIM CHEOLGYU

PANGASINAN

PASAY CITY

PETACA

ROXAS BOULEVARD

TOWER C

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with