Duterte tuloy na ang pagtakbo

Kinakapanayam si Davao City Ma­yor Rodrigo Duterte ng mga media sa isang pulong balitaan sa Greenhills, San Juan tungkol sa planong pagtakbo sa presidential elections. -BOY SANTOS  

MANILA, Philippines - Tuloy na tuloy na ang pagtakbo bilang presidente ng bansa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak kahapon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III at masayang-masaya ang kanilang partido dahil may presidential candidate na ang kanilang partido na PDP-Laban.

“Masayang-masaya ang partido PDP Laban  at finally meron na kaming presidential candidate so that means although we intended all the time to be relevant  in the 2016 elections now we will not only be relevant, we will be at the forefront or at the center of the action,” ani Pimentel.

Anya, hindi dapat itrato ng Commission on Elections na pera-pera lang eleksiyon at hindi rin para lamang sa mga kilala at mga bilyonaryo.

Hindi rin aniya dapat tingnan na maglunsad ng kampanya si Duterte kahit pa galing lamang ito sa middle class.

Tiniyak ni Pimentel na gagamitin nila ang kanilang enerhiya at hindi pera para sa pangangampanya kay Duterte.

 

Show comments