5 hinoldap sa inuman

MANILA, Philippines - Hinoldap ng riding-in-tandem ang limang magkakaibigan na masayang nag-iinuman sa garahe ng bahay sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rubie Grace Abad, Luis Carlo M. Razon, Johndel P. Fragata, Reybann C. Oteyza at Raymond Castillo na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Marikina City PNP na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District, nabatid na dakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang panghoholdap sa garahe ng #5 White Street sa SSS Village.

Nabatid na nag-iinuman ang mga biktima nang bigla na lang pumasok ang gunmen na lulan ng motorsiklo na walang plaka.

Tinutukan ng tandem ang mga biktima saka kinulimbat ang mahahalagang gamit kabilang ang limang mamahaling cellphones bago tumakas.

 

Show comments