Gusali sa Paran?aque City, nasunog

MANILA, Philippines – Isang commercial building na may dalawang palapag at imbakan ng mga cell phone accessories ang nilamon ng apoy  kahapon ng hapon sa Paran?aque City.

Sa pahayag ni Paran?aque City Fire Marshall, Chief Inspector Renato Capuz, ala-1:44 ng hapon nang magsimula ang sunog sa ground floor ng isang commercial building na matatagpuan sa may Barangay San Dionisio ng nasabing lungsod.

Mabilis namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog na ideklarang fire-out dakong alas-2:29 ng hapon at walang naiulat na nasawi o  nasugatan.

Show comments