MANILA, Philippines – Nagpalabas ng kautusan si Education Secretary Armin Luistro sa lahat ng paaralan sa Metro Manila na magdaos ng make-up classes pagkatapos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Maynila.
Ito ay upang mabawi ng mga mag-aaral ang apat na araw na hindi sila ipinasok matapos na ideklarang holiday ang APEC week.
Ipinauubaya naman ni Luistro sa mga school superintendents ang schedule nang idaraos nilang make-up classes matapos gawing holiday ang Nobyembre 17 hanggang 20.
Gayunman, may ilang paaralan ang hindi na rin pinapasok ang kanilang mga estudyante at mga guro simula pa Nobyembre 16 upang maiiwas ang
mga ito sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil na rin sa pagsasarado ng ilang kalsada sa bansa bunsod ng APEC.
Ang bawat paaralan ay kailangang makapagdaos ng 201 days of classes kada academic year.