MANILA, Philippines – Nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits para sa mga bus companies na may ruta sa Metro Manila nais na pumasada sa mga probinsiya sa panahon ng APEC.
Ito inihayag ni Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB upang maalalayan ng mga Metro Manila buses ang dumagsang bilang ng mga pasahero na tutungo sa mga lalawigan sa panahon ng APEC meetings na halos isang linggo.
Maraming bilang ng mga pasahero ang umuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong APEC meetings dahil sa haba ng bakasyon.
Nabatid na nasa 546 buses na nagsipag aplay na mabigyan ng special permits at 352 ang naaprubahan dito.
Gayunman, ang special permits ay mula November 17 hanggang November 22 lamang.