^

Police Metro

DQ case vs Poe ibinasura ng SET

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanalo si Senador Grace Poe sa botong 5-4 matapos ibasura ng mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang petisyon para sa disqualification case na isinampa ng natalong senatorial candidate na si Rizalito David.

Nagbotohan kahapon ang SET sa Manila Polo Club kung saan ay 5 sa mga ito ang bumoto na dapat ibasura ang disqualification case laban kay Poe na kumukuwestyon sa pagiging natural born Filipino citizen nito bilang isang foundling at 4 na member naman ng SET ang pabor para sa disqualification ng mambabatas.

Wika pa ni Sen. Vicente Sotto, bukod sa kanya ay 4 pa ang bumoto na dapat ibasura ang disqualification case laban kay Poe ay sina Sen. Pia Cayetano, Sen. Villar, Sen. Legarda at Sen. Bam Aquino.

Ang 9-man member ng SET ay sina Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, bilang chairman ng SET; Justice Teresita Leonardo-de Castro, Justice Arturo Brion, Sens. Cayetano, Villar, Binay, Aquino, Legarda at Sotto III.

Idinagdag pa ni Sotto, ang mga bumoto naman na pabor sa disqualification ni Poe ay sina Justice Carpio, Justice de Castro, Justice Brion at Sen. Nancy Binay.

Magugunita na kinuwestyon ng natalong 2013 senatorial candidate na si David sa SET ang pagiging natural born Filipino citizen ni Poe dahil sa pagiging ampon nito at posibleng hindi daw ito natural-born dahil sa ilalim ng Konstitusyon ay dapat isang natural born Filipino citizen ang mga kandidato sa pagi­ging presidente, bise-presidente, senador at kongresista habang ang mga tumatakbo naman sa local positions ay puwedeng naturalized citizens.

ANG

BAM AQUINO

JUSTICE ARTURO BRION

JUSTICE BRION

JUSTICE CARPIO

JUSTICE TERESITA LEONARDO

LEGARDA

MANILA POLO CLUB

NANCY BINAY

PIA CAYETANO

RIZALITO DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with