Bangko naholdap ng P6.7-M
MANILA, Philippines – Ilang minuto pa lamang nakakabukas ang isang bangko nang ito ay pasukin at holdapin ng mga suspek at natangay ang nasa P6.7 milyon halaga ng mga cash at tseke kamakalawa sa Surigao City, Surigao del Norte.
Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang maganap ang panghoholdap sa sangay ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa kahabaan ng San Nicolas–Diez Streets, Brgy. Taft ng lungsod.
Sa imbestigasyon ay kabubukas lamang ng bangko nang dumating ang mga suspek na lulan ng dalawang kulay itim na XRM na motorsiklo at agad dinisarmahan ng tatlo sa mga suspek ng shotgun ang security guard na si Efren Doquilla na nasa pinto at isa pang security guard na si Lancelot Balaba na nasa loob.
Natangay ng mga suspek ang P4.4 M cash at P2.3 M tseke o kabuuang P6.7M bukod pa sa mga pera at cellphone ng mga depositor.
- Latest